CAMILING, Tarlac – Patay ang isang 94-anyos na lalaki nang masagasaan ng pampasaherong Five Star Bus sa Romulo Highway, Purok Naragsak, Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Fernando Baniqued, 94, ng nasabing barangay na nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay PO3 Jonathan Juanica, dakong 12:30 ng umaga nang mabundol ng bus (AWA-8947) na minamaneho ni Francis Chan, 36, ng Bgy. Carot, Anda, Pangasinan ang noon ay tumatawid na matanda.- Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog