CUYAPO, Nueva Ecija - Isang 41-anyos na magsasaka ang nasawi habang nakaligtas sa kamatayan ang siyam na taong gulang niyang anak makaraan siyang tambangan sa Barangay Bonifacio sa Cuyapo, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay SPO2 Junes C. Aurelio, hindi pa tukoy ang motibo sa pagpatay kay Arly Domingo y Benabente, 41, may asawa, magsasaka, na kaagad nasawi dahil sa natamong tama ng bala sa ulo.

Ligtas naman ang siyam na taong gulang niyang anak na babae, na angkas niya sa kanyang Rusi motorcycle nang mangyari ang ambush dakong 8:45 ng gabi. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog