TINALO ni Philippines chess wizard Al-Basher “Basty” Buto, 7-anyos, ang dating nangungunang si Malaysia’s Lai Hong Jun sa seventh at final round tungo sa pagkopo sa gold medal sa boys 8 years old and under category para pangunahan ang Philippines sa 23-gold medal sa rapid event ng 18th Association of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championship sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Sabado ng gabi.

Ang Cainta, Rizal province pride na tubong Marawi City ay nakilala matapos masikwat ang coveted gold medal sa 13th Asian Schools Chess Championship nitong Hulyo sa Liaohe Art Museum ay Panjin, China ay tumapos ng 6.0 na puntos sa pitong laro.

Si Buto ay unang nagwagi kina Mohd Faizal Muhd Harris Halie ng Malaysia sa Round 1, Noorhisham Muhd Danish Haziq ng Malaysia sa Round 2, Wicaksana Muazzam Bilal ng Indonesia sa Round 3 bago yumuko kay Syed Hashim Azmi Syed Firdaus ng Malaysia sa Round 4.

Nakabalik si Buto sa kontensiyon matapos manalo kontra kina Vincent Ryu Dimayuga ng Pilipinas sa Round 5, Adnan Habibur Rahman ng Malaysia sa Round 6 kasunod ng pagbasura kay Jun sa Round 7.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Buto na tangan na ang dalawang gold medal matapos manaig din sa individual at team event ng standard competition kalakip ng pagkopo sa prestigious Asean master title.

Ang iba pang nagwagi sa individual gold medals ay sina Daniel Quizon (boys’ 14 and under), Christian Mark Daluz (boys’ 16 and under), Kaye Lalaine Regidor (girls’ 8 and under), Ruelle Canino (girls’ 10 and under), Jerlyn Mae San Diego (girls’ 12 and under) , Bea Mendoza at WCM Kylen Joy Mordido ( girls’ 16 and under), WFM Allaney Jia G. Doroy at Alexis Anne Osena (girls’ 18 and under), WCM Mira Mirano at Ynna Sophia Canape (girls’ 20 and under). - Gilbert Espeña