LUMAGDA ng dalwang taong kontrata sa Barangay Ginebra ang dating San Beda College standout na si Art de la Cruz.

Kasabay ni De la Cruz, binigyan din panibagong kontrata sina Jervy Cruz, Raymond Aguilar, at Jammer Jamito.

Art Dela Cruz (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Art Dela Cruz (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Ang nasabing paglagda at contract renewal ay naunang ibinalita ni Gin Kings assistant team manager Reyboy Rodriguez sa Spin. ph matapos ang unang ensayo ng koponan nitong Huwebes pagkaraang magkampeon noong nakaraang PBA Governors Cup.

Plano rin ni Rodriguez na i-renew ang kontrata ni Joe Devance pagdating nito galing ng bakasyon sa US kung saan ito namalagi habang nagpapagaling mula sa foot surgery.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Na-trade mula sa Blackwater sa pagtatapos ng nakalipas na Governors Cup, laking pasasalamat ni De la Cruz para sa nakuhang kontrata sa Kings para sa kanyang pagbabalik mula sa walong buwang pagka-sidelined dahil sa Achilles injury.

“From being injured, thankful ako na two years binigay sa akin ng Ginebra,” wika ni Dela Cruz.”I’ll try my best na hindi nila pagsisihan yung risk na tinake nila.”

“Slowly, but surely, I’ll try my best na ma-earn yung trust ni coach Tim,” aniya. - Marivic Awitan