Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Bukod sa 13th month pay at cash gifts, tatanggap pa ng Christmas bonus ang mga opisyal, empleyado at public school teachers sa Batangas City.

Inaprubahan nitong Martes ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyon na inihain ni Councilor Carlos Buted bilang tugon sa liham-kahilingan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha-Mariño.

Ayon sa aprubadong resolusyon, tatanggap ng P15,000 ang mga opisyal at regular na kawani ng pamahalaang lungsod, habang P2,000 naman sa mga guro at mga empleyado ng Department of Education (DepEd)-Batangas City Division.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ang pondo ay kukuhanin sa savings ng lokal na pamahalaan.