TRIPOLI (AFP) – Mahigit 30 migrante ang namatay at 200 ang nasagip nitong Sabado nang tumaob ang kanilang bangka sa kanluran ng baybayin ng Libya.

Nagsagawa ang coastguard ng dalawang rescue operations sa baybayin ng lungsod ng Garabulli, 60 kilometro sa silangan ng Tripoli, sinabi ng tagapagsalitang si Col. Abu Ajila Abdelbarri.

Natagpuan ng patrols ang 31 bangkay at 60 survivors sa isang bangka, habang 140 pasahero ang nakaligtas sa ikalawang bangka.

Sinabi ni Libyan Navy Spokesman Ayoub Qassem na kabilang ang 18 babae at tatlong bata sa mga bangkay na nakuha sa dagat, habang 40 katao ang nawawala.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Nagmula ang mga migrante sa Somalia, Ghana, Ethiopia, Nigeria, at apat mula sa Pakistan ang kabilang sa mga nasagip.