HINDI lamang entry fee ang libre, kundi maging ang matutuluyan nang mga kalahok na nagmula sa lalawigan ang kaloob ng Cantada Sports sa pagpalo ng 1st Tanduay Athletics Luzon Secondary (Under 18) Invitational Beach Volleyball Championships sa Linggo sa sand courts ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

tan copy

Naghihintay din ang libreng refreshment at pagsasaluhang pagkain ng mga players sa weekend tournament na itinataguyod ng Philippine Volleyball Federation (PVF), sa pamumuno nina Chairman Mikey Arroyo at Preident Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, gayundin ng Tanduay Athletics, na pinangangasiwaan ni Lucio ‘Bong’ Tan , Jr.

Tampok ang mga kabataan sa boys and girls under 18 years old na kabilang sa 33 koponan na nagpatala mula sa Nuva Ecija, Zambales, Marinduque, Cavite, Pangasinan, Pampanga at Isabela, gayundin ang mga eskwelahan na FEU, NU, RTU, UMakati, Xavier School, Olivares, Mandaluyong High School at Pasay City High School.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas