NI: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Arestado ang dalawang babae na umano’y pekeng dentista sa isinagawang entrapment operations ng mga awtoridad sa Batangas City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jessica Dilao, 38; at Mylene Verdadero, 42, kapwa taga-lungsod.

Ayon kay Supt. Wildemar Tiu, hepe ng pulisya, naaresto ang mga suspek sa kanilang mga bahay sa D. Silang at C. Tirona Streets nitong Huwebes, at naaktuhang nagkakabit ng braces.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nakuhanan ang mga suspek ng mga dental paraphernalia at tig-P3,000 marked money.

Dumulog umano sa himpilan ng pulisya si Dr. Francis Abraham, 50, chairman ng Illegal Practice ng Batangas City Dental Chapter upang ireklamo ang mga suspek.

Nahaharap sa paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 (RA 9484) ang mga suspek.