Ni NORA CALDERON

MAY mahahalagang meetings si Quezon City Mayor Herbert Bautista kaya si Quezon City Councilor Mayen Juico ang humalili sa kanya sa pangunguna sa grand presscon para sa muling pagho-host ng Quezon City sa QC LGBT Pride March (Lesbian, Gays, Bisexuals, Transgender) na isasagawa sa December 9, sa Tomas Morato.

MAYEN_nora_lgbt copy

Ginanap ang press launch ng event sa Pork @ Your Own Risk sa Dr. Lazcano Street, QC.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Magniningning ang venue sa araw na iyon na tinawag nilang “Pride in QC: Safe and Free” sa pagsasama-sama ng gays and straight communities sa Metro Manila, non-profit organizations, LGBT service agencies, civic groups, LGBTorganizations, LGBT churches and individuals willing to show their pride and support to the community.

Sa pangunguna ng Quezon City Pride Council, ang pride march ay pagpapatunay ng kanilang commitment sa pagtatanggol sa mga karapatan ng lahat ng mga Pilipino anuman ang kasairan -- kasama siyempre ang LGBT community na sana ay tularan din ng iba’t ibang siyudad sa Metro Manila at sa buong Pilipinas.

Sa hapon magaganap ang Gay Pride Parade at sa gabi naman ang malaking celebration. Magtatanghal ang iba’t ibang LGBT groups, kaya isasara ang Tomas Morato St.

Lahat ng gustong magsi-attend sa Pride Parade ay kailangang mag-register online sa httpL//bit.ly/2ib2Guh. For details ang more information, bisitahin ang Facebook page at www.facebook.com/qcpridemarch or magpadala ng message direct @qcpridemarch.