HARARE (AP) – Sinabi ng isang opisyal ng Zimbabwe ruling party na hindi kasama sa plano nilang pagpapatalsik kay Robert Mugabe ang usigin ito.

Ayon sa ruling party chief whip na si Lovemore Matuke, tiniyak ng mga opisyal ng partido kay Mugabe na hindi ito uusigin. Ang 93-anyos na dating diktador “is safe, his family is safe and his status as a hero of his country is assured. All we were saying is resign or face impeachment.”

Nananatili si Mugabe sa Harare kasama ang asawang si Grace.

Nanumpa na kahapon ang incoming leader na si Emmerson Mnangagwa, na sinibak ni Mugabe bilang vice president nitong unang bahagi ng buwan na nagbunsod ng kudeta.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Kilala sa tawag na Crocodile, ang 75-anyos na si Mnangagwa ay itinuturing na matalino at malupit na pulitiko, at duda ang marami kung talagang maihahatid niya ang pagbabago na hinahangad ng bansa.