NI: Gilbert Espeña

TARGET ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., na makasungkit ng international title bago matapos ang taon sa kanyang pagsabak sa HongKong International Open.

Sumegunda lamang ang 13-time Philippine Open champion sa katatapos na 27th World Senior Chess Championship nang magapi si Italian International Master Spartaco Sarno sa 11th at final round matapos ang 51 moves of Caro-kann-French defense sa (50+ and 65+ Open-men and women) sa Acqui Terme, Italy.

Nakatakdang lumahok ang 55-anyos na si Antonio sa Jolimark Hongkong International Open Chess Championship 2017 sa Disyembre 23 hanggang 27 na gaganapin sa Kung Lee College sa Tai Hang Drive, Hong Kong.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagbigay din ng ‘courtesy call’ si Antonio kay Philippines Sports Commission (PSC) commissioner Charles Raymond Maxey para ipakita ang kanyeng tropeo at medalya kasama sina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Cong. Prospero “Butch” Pichay Jr., executive director Red Dumuk, at director Atty. Cliburn Anthony Orbe.