INAASAHANG muling dadagsain ng running enthusiast ang ColorManila Blackligh Run – ikatlong CM event ngayong taon – sa Clark, Pampanga sa December 2.

Kabuuang 15,000 runners ang sumabak sa naunang dalawang event ng ColorManila sa pakarera na handog ng Sutherland, sa Clark Parade Grounds.

Sa CM Blacklight Clark Run nitong nakalipas na taon, umabot sa 6,000 ang nakiisa sa karera, kabilang ang mga foreign runners.

“This is all possible because of Clark Development Corporation’s support. And we look forward to organizing more events at their venue,” pahayag ni ColorManila vice president Justine Cordero.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We also want the runners to enjoy the cool breeze of December in this night run, as they go thru various race finishes of 3K, 5K and 10K; and of course, the color stations that everyone looks forward to, along with the color festival,” aniya.

Mapagpipilian ng mga runners ang Deluxe Kit (P750), Rockstar Kit (P1,050) at Superstar Kit (P1,200). Kasama rito ang costume singlet, race bib, costume drawstring bag, color packet at finisher’s meda, dri-fit shirt, headlamp, color packet at 3 drawstring bags, headwear, at color packet.

Bukas pa ang pagpapatala, bisitahin ang www.colormanilarun.com para sa karagdagang detalye.