Sampung katao ang nasugatan nang mahulog sa ilog ang nasa 30 kataong nakikipaglibing makaraang maputol ang tinatawiran nilang hanging bridge sa Barangay Pang-pang Norte sa Mambusao, Capiz, iniulat ng pulisya kahapon.

Mabilis na itinakbo sa pagamutan ang mga biktima, na kabilang sa 30 nahulog sa bumigay na hanging bridge.

Batay sa report ng Mambusao Municipal Police, gawa lamang sa kawayan ang tulay, at posibleng sa dami ng nakipaglibing ay tumagilid ito makaraang mapatid ang tali pagkatawid ng kabaong, at nahulog ang 30 nakikipaglibing.

Ayon naman sa isa sa mga biktimang si Lorna Leonida, nawalan umano ng balanse ang hanging bridge hanggang sa tumagilid ito at isa-isa na ngang nalaglag sa ilog ang mga nakikipaglibing.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabalian matapos bumagsak sa mabatong bahagi ng ilog ang 10 sa mga nahulog.

Nabatid ng pulisya na matagal nang ginagamit ng mga residente ang nasabing hanging bridge, na pangunahing tawiran ng mga residente patungo sa kabilang bayan. - Fer Taboy