BEIJING (AP) – Nasunog ang isang gusali na nagpapatalastas ng low-cost rental apartments sa katimugan ng Beijing suburb na ikinamatay ng 19 katao at ikinasugat ng walong iba pa.
Iniulat ng Xinhua News Agency na naapula ang sunog sa Xinjian Village sa distrito ng Daxing dakong 9:00 ng gabi nitong Sabado, makalipas ang tatlong oras.
Sa mga inilabas na litrato ng Xinhua, makikita ang mga bombero sa labas ng dalawang palapag na gusali na may murang paupa sa mga siliid na karaniwang tinutuluyan ng mga migranteng manggagawa.