KABUUANG 250 ang nakiisa sa isinagawang “MusiKARAMAY basketball 3x3 Para sa Marawi” kamakailan sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Inorganisa ng Triple Threat Manila, ang 3x3 cage ay isang FIBA-endorsed event na nakatuon para sa pagtulong sa mga kababayan na naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.

Musikaramay
Musikaramay
Kabilang sa nagbigay ng ayuda ang mga sikat at pamosong musicians tulad ng South Border, Climax, Rocksteddy, Jason Fernandez, Aikee, Davey Langit, Nyoy Volante, The Juans at Mike Swift.

Nakiisa rin ang mga kinatawan ng pribadong sektor na nagbigay ng kanilang tulong at suporta sa programa na naglalayong makakalap ng pondo para magamit ng mga residente ng Marawi City sa kanilang pagsisimula sa kabuhayan , sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundation.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang “MusiKARAMAY” ay binuo ni Stanley Seludo kung saan nagsasama-sama ang komunidad sa music industry para magbigay nang kasiyahan at tulong sa ating mga kababayan.

Pinangunahan ni dating PBA player Danny Seigle ang ceremonial jump ball, kasama sina Kriza Cawan, founder ng Triple Threat Manila; Paulo Legaspi, President and CEO ng Healthwell Nutraceuticals Inc.; at Menchie Silvestre.

Itinaguyod din ang “MusicKARAMAY” ng Globe, Senator Angara, City Mayor Tony Calixto, Vice Mayor Boyet del Rosario, Congresswoman Emi-Calixto-Rubiano, Councilor Ding Santos and Sangguniang Panlunsod ng Pasay.

Nakiisa rin ang Royal MNL, GlutaMAXMen, Meister Philippines, Philips Monitors, AOC Monitor, Rakista Radio and Philippine Health Insurance Corporation, Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit, AMP (Asosasyon ng Musikong Pilipino), TV5, Radyo Singko, 92.3 News FM, MYX Philippines, Manila Bulletin Sports, Powcast.net, Billboard Philippines, Audiophile Components, PAGCOR, Wilson Sports PH, and Kambi Rallos, Frappe La Rue Philippines, Converga Asia, Inc., STUDIO Z AUDIO PRODUCTIONS AND RECORDING STUDIOS, Nice Day Coffee, Maynilad Water Services, Inc., Royal Thee Bed & Breakfast Thai and Filipino Cuisine, Foldable Kahon by KahoniStan, Starmobile, The Beach Bar, Motech San Joaquin, DWDD Katropa Radio, GG Network, HWM Philippines, Speed Magazine, Techbeat Philippines, at Crib Audio Systems.

“It will be a long rebuilding process for Marawi City, so we intend to raise more funds for them from here on and in the coming years”, pahayag ni Seludo.