NI: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Inaresto ng security guard ang isang matinik na shoplifter na tumangay ng damit at iba pang gamit sa isang department store sa Barangay San Roque, Tarlac City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Dorothy Dela Cruz, 26, may asawa, ng Bgy. Rizal, La Paz, na inreklamo ni Raquel Diego, 23, ng Bgy. Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac.

Nakumpiska umano mula kay Dela Cruz ang iba't ibang uri ng T-shirt, blouse, pabango at pantalon na aabot sa P11,785 ang halaga.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Itinakas umano ni Dela Cruz ang mga damit nang magpunta ito sa fitting room at isilid ang mga kinulimbat sa bag.

Mabilis namang nahabol at naaresto ni Dennis Manuel, 34, security guard, ng Bgy. Poblacion Norte, Mayantoc, ang suspek.