Ni Argyll Cyrus B. Geducos, at ulat ni Roy Mabasa

Walang dudang nagkapalagayan ng loob sina Pangulong Duterte at US President Donald Trump, makaraang sabihin ng bilyonaryong celebrity na naging pulitiko na gusto niya ang presidente ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang sinabi ni Trump kay Executive Secretary Salvador Medialdea nang ihatid ng huli si Trump sa Air Force One nitong Martes.

“Thank you very much, I had a great time and tell Rodrigo I like him very much,” sinabi umano ni Trump kay Medialdea bago sumakay sa eroplano ang pangulo ng Amerika.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Linggo ng gabi nang dumating sa bansa si Trump para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations-East Asia Summit (ASEAN-EAS).

Una nang sinabi ni Roque na nagkapalagayan ng loob ang dalawang lider, na ang pangunahing common denominator ay ang hindi magandang opinyon nila kay dating US President Barack Obama.

FIRST NAME BASIS

“There were indeed sour points due to the comments made by former US President Obama. President Trump addressed this by assuring that he is a friend of the Duterte administration since he won the US elections,” sabi ni Roque.

Halata ang mabuting ugnayan nina Trump at Duterte sa kasagsagan ng ASEAN-US Summit nang tawagin ni Trump si Duterte sa pangalan nito na Rodrigo.

Nabatid na hinimok din ni Trump si Duterte na umawit ng “Ikaw” kasama si Pilita Corrales nang marinig niya ang ating Pangulo na inihihimig ang kanta sa ASEAN 50th Anniversary Special Gala nitong Linggo ng gabi.

‘MOST STRATEGIC’

Samantala, binigyang-diin ni Trump kahapon ang kahalagahan ng Pilipinas bilang “most prime piece of real estate” sa usaping militar.

Sa press gaggle habang lulan sa Air Force One, inilarawan ni Trump ang kasalukuyang ugnayan ng Pilipinas at Amerika na “very, very strong”.

“It (Philippines) is a strategic location—the most strategic location. And, if you look at it, it’s called the most prime piece of real estate from a military standpoint,” dagdag pa ni Trump.