NI: Reggee Bonoan

BAKIT wala si Rayver Cruz sa Just Love Christmas Station ID 2017 ng ABS-CBN na ini-launch nitong Lunes? 

Hindi na ba artista ng Kapamilya network ang aktor?

 

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kamakailan nang nag-guest si Rayver sa Tonight with Boy Abunda, tinanong siya ng King of Talk tungkol sa tsikang lilipat siya sa GMA-7. Hindi, sagot niya.

Rayver copy copy

Kumalat kasi ang tsikang lilipat ang aktor sa Kapuso Network dahil tagaroon ang babaeng nagpapasaya sa buhay niya ngayon, si Janine Gutierrez.

 

Kilalang artista naman si Rayver, kaya kataka-takang wala siya sa bagong station ID ng Dos.

 

Ang pagkakaalam namin ay hanggang Marso 2017 pa ang kontrata ng aktor sa ABS-CBN Star Magic. Nakaligtaan lang kayang sabihang mag-shoot si Rayver ng Christmas Station ID. Sino ba dapat ang magsasabi sa kanya?

 

Hmmm, napansin din naming hindi masyadong nabibigyan ng project si Rayver sa Kapamilya Network. Hudyat na kaya ito para lumipat siya sa GMA-7 tulad ng ginawa nina Jason Abalos at Matt Evans?

 

May edad na ang binata at kailangan na rin niyang maging financially stable dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang sariling bahay.

 

Naniniwala naman kami na kapag marunong umarte at magaling makisama ang isang artista ay hindi siya mawawalan ng proyekto. Ibig bang sabihin, wala lahat nito si Rayver?