Ni: Light A. Nolasco
CABANATUAN CITY – Natangayan ng pera, alahas at service firearms ang isang pulis makaraang pasukin at pagnakawan ng hindi kilalang mga kawatan ang kanyang bahay sa Capt. Pepe Subdivision sa Barangay Zulueta, Cabanatuan City, Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktimang si SPO3 Dante Alviar y Sabate, na personal na nagpa-blotter sa presinto.
Dakong 3:30 ng hapon umano nang matuklasan ng pulis na pinasok ang kanyang bahay, at natangay ang kanyang .45 caliber pistol, dalawang magazine assembly, isang magazine na may 12 bala, at mga alahas na nagkakahalaga ng P100,000.