Ni Ernest Hernandez

SASABAK si Danny Kingad ng Team Lakay sa pinakamalaking laban ng kanyang MMA career sa pakikipagtuos kay reigning One Championship Flyweight titleholder Adriano Moraes sa ONE: Legends of the World sa Nobyembre 10 sa MOA Arena.

Sa kabila ng impresibong marka, wala sa hinagap ng 20 anyos na pambato ng Baguio City na mabibigyan siya nang pagkakataon na pumagitna sa pinakamalaking fight card ng batang career.

Danny Kingad (photo by Peter Paul Baltazar)
Danny Kingad (photo by Peter Paul Baltazar)
“After my two matches, I just prepared for my next fight. Nasa isip ko talaga meron pang ibang laban kaya train lang ako ng train,” pahayag ni Kingad.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kung may dapat ipagpasalamat si Kingad, ito’y ang pagkakasama niya sa grupo na may matitibay na talento at pusong mapagpakumbaba, tulad ni Geje Eustaquio na may karanasan na sa paglaban kay Moraes na nakasagupa niya sa Cambodia may tatlong taon na ang nakalilipas.

“The advice that I gave to Danny is that Adriano is a hit-and-run fighter, he always want to keep the fight on a distance kasi gusto niya gamitin yung kanyang reach,” pahayag ni Eustaquio.

“I believe that Danny will close the distance and implement the right game plan.”

Matapos ang laban kay Eustaquio, nagawang makadepensa ni Moraes sa titulo bago nagapi ni Kairat Akhmetov via split decision. Nabawi naman ni Moraes ang titulo sa impresibong unanimous decision nitong Agosto.

Ito ang unang pagdepensa ni Moraes sa titulo mula nang mabawi sa ONE Championship: Legends of the World. At inamin niya na hindi pipitsugin si Kingad.

“He is very tough,” sambit ni Moraes. “If he gained the opportunity to fight for the belt it is because he deserved it. He is a humble boy and I’m ready to give him my best.”