Ni: Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac – Tinangay ng dalawang babae at isang lalaki ang P60,000 cash at mga importanteng dokumento sa loob ng isang kotse na nakaparada sa isang fast food restaurant sa Barangay Estacion sa Paniqui, Tarlac, nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si Jerwin Galanza, 29, ng Bgy. Tagumbao, Gerona, Tarlac.

Natangay kay Galanza ang isang sling bag na naglalaman ng mahigit P60,000, itim na leather wallet na may P2,000, driver's license, titulo ng lupa, at mahahalagang dokumento.

Probinsya

Nakatulog na driver ng bus, inararo mga sasakyan sa SCTEX, 10 patay!

Dakong 1:50 ng hapon umano nang ipinarada ni Galanza ang kanyang Honda Civic (RFW-293) sa parking lot ng food chain para kumain kasama ang nobyang si Amy Granil, 29, ng Bgy.Tagumbao, Gerona, Tarlac.

Hindi umano nai-lock ng biktima ang behikulo dahil sa pagmamadali, kaya nagawang manakawan ng mga suspek.

Sa record ng CCTV camera sa food chain, dalawang babae at isang lalaki ang kumuha ng sling bag at kaagad na sumakay sa silver na van para tumakas.