9-game winning run sa Boston; Heat, kinaya ng Warriors.
OAKLAND, Calif. (AP) – Nangailangan ang Golden State Warriors nang malapader na depensa para maisalba ang malamig na shooting ng ‘Splash Brother’ tungo sa 97-80 panalo nitong Lunes (Martes sa Manila).
Nagsalansan si Kevin Durant ng 21 puntos mula sa 5-of-13 shooting, ngunit perpekto sa free throw 10-of-10 para pangunahan ang Warriors sa ikaapat na sunod na panalo at ikawalo sa 11 laro.
‘’It’s a good feeling to know if we focus on taking care of the basketball and playing solid defense and focus in on that end really hopefully regardless of how our offense is we’re going to be in good position to win games,’’ pahayag ni two-time MVP Stephen Curry, kumubra lamang ng 16 puntos mula sa 5-of-19 shooting.
Nag-ambag si Kyle Thompson ng 13 puntos mula sa 5-of-15 shooting.
Sa kabuuan, naitala ng Warriors ang 36.8 percent shooting at 11-for-32 sa three-point area. Matikas naman ang defending champion sa free throw sa 22-of-24.
Kumasa rin Draymond Green ng 18 puntos, tampok ang apat na three-pointer, at siyam na rebounds.
Ito ang unang pagkakataon mula sa nakalipas na season sa kabiguan sa Utah, 99-105, na nabigo ang Warriors na makaiskor ng 100 puntos pataas.
Nanguna sa Heat si James Johnson na may 21 puntos mula sa bench, habang kumana si Goran Dragic ng 19 puntos.
CELTICS 110, HAWKS 107
Sa Atlanta, nahila ng Boston Celtics ang winning run sa siyam matapos pabagsakin ang Hawks.
Matapos ang simulan ang kampanya sa magkasunod na kabiguan, ratsada ang Boston para kunin ang maagang liderato sa The Eastern Conference (9-2).
Hataw si Kyrie Irving, nakuha ng Boston sa Cleveland mula a off-season trade kay Isiah Thomas, sa natipang season-high 35 puntos mula sa 14 of 22 shooting, habang nag-ambag si Jayson Tatum ng 21 puntos.
Kumubra si Al Horford ng 15 puntos at 10 rebounds, habang kumasa si Jaylen Brown ng 11 puntos para sa Celtics.
NETS 98, SUNS 92
Sa Phoenix, natuldukan ng Brooklyn Nets ang four-game slide nang pakulimlilimin ang Suns.
Ratsada si D’Angelo Russell ng 23 puntos, habang humugot si Joe Harris ng 18 puntos mula sa bench para sa sandigan ang nets sa ikalimang panalo sa 11 laro.
Nag-ambag sina Demarre Carroll ng 14 puntos at 11 rebounds, at si Allen Crabbe na may 15 puntos.
Nanguna sa Suns sina Devin Booker at TY Warren ng 18 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod. Bagsak ang Suns sa 4-7.