Ni REGGEE BONOAN

NAPAKA-PASSIONATE pala ng love scene nina Paulo Avelino (Nicholas) at Ritz Azul (Sophia) sa seryeng The Promise of Forever na ipinalabas noong Biyernes at kitang-kitang inalalayan ng aktor ang aktres para hindi masilipan sa maseselang bahagi ng katawan.

Paulo at Ritz copy

First kiss ni Ritz (Sophia) si Pau (Nicholas) kaya siguro nagkapalagayan na sila ng loob. Hayun, sa presscon ng The Promise of Forever ay halatang mas close ang aktres sa aktor kumpara sa isa pang leading man ng serye na si Ejay Falcon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi naman nakitaang nag-take advantage si Paulo kay Ritz, kaya pala panay ang sabi ng dalaga na napaka-gentleman ng kapareha niya.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ng The Promise of Forever, tinangka ni Nicolas na magpakamatay para iligaw ang mga humahabol sa kanya, ang mag-amang Tonton Gutierrez (Marlon) at David Chua (Michael).

At dahil nakita ni Ritz (Sophia) na tumalon si Paulo (Nicholas) sa bangin ay talagang nag-iiyak siya lalo na nu’ng hindi na makita ang katawan ng binata na noo’y nakabalik na siya sa bahay nila at inayos na ang pagpunta niya sa Poland kung saan doon sila magkikita ni Susan Africa (Helen).

Bago pa nakaalis si Susan (Helen) base sa episode ng TPOF nitong Lunes ay inabutan siya nina Tonton (Marlon) sa bahay kung saan sila nagtatago.

Ngunit sa kabila ng dalamhating nadarama, madidiskubre ni Sophia na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Nicolas, dahilan naman para ikagalit ng kanyang mga magulang at magdesisyon siyang umalis sa kanilang tahanan.

Sabay naman sa pagkakahiwalay nila ng landas, hindi titigil si Marlon (Tonton) na hanapin si Nicolas upang makapaghiganti at tuluyan nang magawa ang miracle drug na magpapayaman sa kanilang angkan.

Sapat nga ba ang pag-ibig upang muling magtagpo ang mga landas nina Sophia at Nicolas?

Huwag palampasin ang kuwento ng pangako ng walang hanggang pag-ibig sa “The Promise of Forever,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, sundan lang ang @DreamscapePH sa Instagram at Twitter at sa Facebook.

Ang karakter ni Paulo bilang si Nicholas ay taong 2010 kaya’t mabaha pa ang itatakbong kuwento ng nasabing serye mula sa Dreamscape Entertainment na idinirek nina Darnel Joy Villaflor at Hannah Espia.