Ni AARON RECUENCO

Inaresto ng police and military intelligence operatives ang hinihinalang financier ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa pagsalakay sa umano’y lungga nito sa Quezon City.

Ngunit si Abdulpatta Abubakar na inaresto sa pagtutulungan ng police and military operatives ay siya ring inaresto sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating mula Saudi Arabia, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Siya ay inaresto matapos lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng Bureau of Immigration na mga pinaghihinalaang terorista. Siya ay itinurn over sa PNP.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinumpirma ng Criminal Investigation and Detection Group na si Abubakar ang inaresto ng BI, ngunit sinabing ito ay pinakawalan din.

“He was released in court due to his identity was not clearly substantiated in the amended complaint and information,” base sa police report.