Portia, Ellen at Katy
Portia, Ellen at Katy

NAGING kontrobersiyal ang pag-post ni Ellen DeGeneres ng racy photo sa Twitter nitong Huwebes ng umaga, at ang ilan ay nagsabing hindi maganda ang biro para sa singer na si Katy Perry.

“Happy birthday, @katyperry!” tweet ni Ellen kasama ang litrato niya na nakatulala sa dibdib ng singer. “It’s time to bring out the big balloons!”

Marami ang nagalit at nagkondena sa komedyante na ikinumpara sa kontrobersiyal na movie mogul na si Harvey Weinstein.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“If you were a man this would be the end of your career,” saad ng isang nag-tweet.

“Ellen goes full Weinstein. Nice message to send to young girls,” sabi pa ng isa.

Para sa iba, hindi big deal ang mensahe ni Ellen.

Isa ang nagsabi na ito ay “Funny” samantalang sinabi naman ng isa pa na “I think we can let this go.”

Samantala, lumabas si Ashley Judd sa telebisyon sa unang pagkakataon upang idetalye ang kanyang hotel room encounter kay Harvey Weinstein. Sinabi niya na hiniling sa kanya ng Hollywood mogul na i-massage niya ito at panooring naliligo.

“I fought with this volley of ‘no’s,’ which he ignored,” ani Judd kay Diane Sawyer ng ABC News. “Who knows? Maybe he heard them as ‘maybe.’ Maybe he heard them as ‘yeses.’ Maybe they turned him on. I don’t know.

“He kept coming at me with all this other stuff, and finally I just said, ‘When I win an Oscar in one of your movies, OK?’” dugtong ni Judd. “And he was like, ‘Yeah, when you get nominated.’ And I said, ‘No! When I win an Oscar.’ And I fled. I just fled.” - Inside Edition