Ni: Beth Camia

Isang araw matapos opisyal na magretiro sa serbisyo bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kaagad na itinalaga ni Pangulong Duterte si Gen. Eduardo Año bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasabay ng change of command sa Camp Aguinaldo nitong Huwebes, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong appointment papers ni Año, na isinapubliko naman ng Malacañang kahapon.

Nitong Huwebes lang nagretiro si Año, sa edad na 56, matapos ang 35 na taong serbisyo sa AFP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa change of command, sinabi niyang nais niyang italaga si Año bilang kalihim ng DILG, pero may batas na dapat sundin, alinsunod sa Republic Act 6975 o ang Department of the Interior and Local Government Act of 1990.

“May batas na susundin kapag nagretiro. Ito ang RA 6975, which states that ‘no retired or resigned military officer or police official may be appointed as Secretary within one year from the date of his retirement or resignation’,” paliwanag ni Duterte.