Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Oktubre 24 ay magtataas ito ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina, 55 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos naman sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Oktubre 17 nang nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V, Shell at Petron, makaraang magdagdag ng 20 sentimos kada litro ng gasolina, kasabay ng 15 sentimos na tapyas sa kerosene. - Bella Gamotea