Ni: Mina Navarro

Pinintahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng matingkad na pink na linya ang mga sidewalk sa Santiago-Tuguegarao Road (STR) sa Roxas, Isabela sa layuning masawata ang lantarang ilegal na pagpaparada ng mga sasakyan sa lalawigan.

Sa ulat ng DPWH-Isabela Second District Engineering Office (ISDEO), sinubukan ng kagawaran ang pink-colored markings para higit itong mapansin ng motorista, na mistulang hindi napapansin ang puting linya at lantaran pa ring pumaparada sa mga kalsada at sidewalk.

Nabatid na itinatakda ng pink-colored lines ang hangganan ng kalsada na hindi dapat ginagamit bilang paradahan, dahil daanan ito ng mga pedestrian.

Probinsya

Malawakang rotational brownout sa Siquijor, nauwi sa deklarasyon ng state of calamity