Ni: Liezle Basa Iñigo

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang isang dating municipal engineer, makaraang pagbabarilin habang sakay sa kanyang pick-up truck sa Barangay Annafunan sa Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakalap na impormasyon mula kay Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police, kinilala ang biktimang si Antonio Malenab, 53, dating municipal engineer ng Solana.

Ayn sa report, dakong 5:00 ng hapon nitong Miyerkules at papunta sa Bgy. Carig, Tuguegarao, si Malenab nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa intersection habang sakay sa kanyang pick-up truck.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ipinalalagay na maaaring may kinalaman sa trabaho ni Malenab bilang contractor ang pamamaslang sa kanya, bagamat sinisilip din ng pulisya ang anggulo ng love triangle.

Sinabi ni Supt. Guzman na nakarekober ng 11 basyong bala ng Carbine at 12 basyo ng bala ng .45 caliber pistol.