Ni: Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang security guard at angkas nito sa motorsiklo matapos silang sumalpok sa puno ng malunggay sa Bintawan Road, Barangay San Luis sa Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga biktimang sina Gerald Aquino, 27, binata, security guard at residente ng Bgy. Bintawan Norte, Villaverde, samantalang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng angkas niya.

Ganap na 11:30 ng gabi nitong Lunes at pauwi na ang mga biktima nang mawalan ng kontrol sa motorsiklo si Aquino dahil sa bilis ng takbo, hanggang sa sumalpok sa puno.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Isinugod ang dalawa sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong, ngunit binawian din ng buhay.