PAPALAPIT na ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa pakikipagtagpo sa kasaysayan at abot-kamay na ni CJ Perez ang tugatog ng tagumpay sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament.

Patuloy sa pagpapakita ng katatagan at determinasyon ang 6-foot-1 guard na nagpapatibay sa kanyang kampanya na maibigay sa Pirates ang kauna-unahang kampeonato sa pinakamatandang collegiate league sa bansa at sa kauna-unahang MVP Award.

Lyceum's CJ Perez goes for the layup against Arellano's Allen Enriquez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Lyceum's CJ Perez goes for the layup against Arellano's Allen Enriquez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Kontra Final Four-bound Jose Rizal University noong nakaraang Biyernes nagtala si Perez ng game-high 24 puntos, bukod pa sa walong rebounds, apat na assists at apat na steals para pamunuan ang Pirates sa dominanteng 100-63 panalo.

Nakopo ng Pirates ang ika-17 sunod na panalo at kailangan na lamang na makaulit sa defending champion San Beda sa Huwebes upang makumpleto ang double round eliminations sweep.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“We just want to honor the game like what coach (Topex Robinson) is telling us since Day One. We look forward to our rematch with the Red Lions and we’re gonna give our best,” pahayag ni Perez.

Dahil dito, sa ikatlong pagkakataon ay nahirang si Perez para maging Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week ngayong season.

Kapag nagkataon, hindi malayong makopo ni Perez ang Season MVP award na huling napanalunan ng isang homegrown talent noong 2014 nang magwagi si dating Perpetual Help star Earl Scottie Thompson.

Naungusan ni Perez para sa weekly citation si pro-bound Lervin Flores ng Arellano University, Jason David ng San Sebastian College at Robert Bolick ng San Beda College. - Marivic Awitan