Dingdong, anytime gusto nang sundan si Zia

Ni NORA CALDERON

PALAGING natatanong sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung kailan nila susundan si Baby Letizia na two years old na sa November 23. Ang mga lola ni Zia, pareho na raw naghahanap ng makakalaro ng apo lalo na kapag pinagmamasdan itong mag-isa lamang sa paglalaro.

Madalas kasi, kung parehong may work ang mag-asawa, iniiwan nila si Zia sa Mommy Angeline ni Dingdong o sa Mama Amy ni Marian. Hindi pumapayag ang mag-asawa na iiwanan lang nilang mag-isa ang anak sa yaya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

ZIA MARIAN AT DINGDONG
ZIA MARIAN AT DINGDONG
Ang promise ni Marian sa GMA, tatapusin niya ang Super Ma’am bago siya muling magbuntis. Apat na anak pa ang gusto nila nila ni Dingdong, para maging lima, pero aware siya na hindi na siya bumabata.

Si Dingdong, anytime ay gusto nang sundan ang kanilang unica hija. Iyon ay kung ipagkakaloob ni Lord sa kanila ni Marian ng mas maaga ang kasunod ni Zia. Kaya and biro niya noong presscon ng Seven Sundays, kung ibibigay daw sa kanila, ay mas maganda. Pero maghihintay pa rin sila ng tamang panahon para sundan ito.

Natawa siya nang tanungin kung paano kung mabuntis si Marian na hindi pa tapos ang Super Ma’am. Siguro raw hindi pa talaga ibinibigay dahil may commitment pa ang kanyang asawa.

Three weeks pa lamang kasing umeere ang Super Ma’am sa GMA-7 na ipinapalabas gabi-gabi kasunod ang kanyang Alyas Robin Hood.

Wala namang problema sa pagtatrabaho si Dingdong. Ngayong showing na ang Seven Sundays, may isa pa siyang project, a movie with Anne Curtis na sisimulan na rin nila pagbalik ni Anne mula sa wedding nito kay Erwan Heussaff.