Ni REGGEE BONOAN

ANG driver ba ng mga Buenavidez na si Dado (Jeric Raval) ang tunay na ama ni Calvin (Nash Aguas) sa seryeng The Good Son?

Masyado kasing concerned si Jeric sa anak nina Olivia (Eula Valdez) at Victor (Albert Martinez) kapag masama ang pakiramdam o kaya kapag nagkukulong sa kuwarto na umiinom pala ng sleeping pills.

Jeric Raval
Jeric Raval
May eksenang itinakbo sa ospital si Calvin dahil na-overdose at masinsinang nag-uusap sina Dado at Olivia, napahawak ang driver sa kamay ng amo niya na agad umiwas.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ilang beses sinabihan ni Olivia ang driver nila na wala siyang pakialam sa pamilya nito at dapat ay alam nito kung hanggang saan lang siya.

Usap-usapan tuloy ng masusugid na manonood ng The Good Son na posibleng si Jeric ang lumason kay Victor para mabaling sa kanya ang atensiyon ni Olivia (Eula) na halatang gusto niya.

Puwede rin naman daw ipinalit ni Jeric si Calvin sa anak nila ni Emma (Kathleen Hermosa) na si Hazel (Loisa Andalio) para maging maayos ang katayuan nito at nalaman ito ni Olivia pero huli na para bawiin dahil nga alam ni Victor na parehong lalaki ang anak nila.

Napapansin din kasi na mabigat ang dugo ni Dado kay Hazel tuwing umuuwi siya ng bahay, kaya iniisip na lang ng dalaga na pagod ang ama kaya laging mainit ang ulo.

Pero suspect din namin si Anthony (John Estrada) sa pagpatay sa Kuya Victor niya para siya na ang mag-manage ng kumpanya.

Posible ring si Dona Matilda (Liza Lorena) ang lumason dahil baon pala siya sa utang at kailangan niya ng pambayad pero hindi siya makakuha. Ngayong wala na ang manugang, madali na niyang mauuto ang anak na si Olivia na sunud-sunuran ito na feeling concerned sa kanilang mag-iina bilang lola ng mga bata.

Samantala, mas nagiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong nadidiin ang ina ni Joseph (Joshua Garcia) na si Racquel (Mylene Dizon) sa kaso ng pagkamatay ni Victor dahil may record pala ito sa kanilang probinsiya na pinagtangkaan niya ang buhay ng ama ng isa pa niyang anak na si Oliver (McCoy de Leon) base sa dokumentong hawak ni ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero).

Lalo namang lumiliit ang mundong ginagalawan nina Joseph (Joshua) at Enzo (Jerome Ponce) ngayong iisang basketball team ang kinabibilangan nila.

Lalo ring uminit ang kanilang bangayan nand pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse.

Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son handog ng Dreamscape Entertainment.