SAINT PETERSBURG (AFP) – Marahas na binuwag ng Russian police ang rally sa Saint Petersburg habang libu-libo ang lumabas sa mga lansangan sa buong Russia nitong Sabado sa 65th birthday ni President Vladimir Putin, at hinimok siyang bumaba sa puwesto.
Dininig ang panawagan ng nakakulong na opposition leader na si Alexei Navalny para humiling ng halalan, tinatayang 3,000 katao ang nag-rally sa ikalawang pinakamalaking lungsod sa Russia at bayan ni Putin habang mahigit isanlibo ang nagmartsa sa sentro ng Moscow. Ginanap ang mga protesta sa 80 lungsod sa buong bansa.
Mahigit 270 katao ang ikinulong sa buong bansa, mahigit 60 dito ay sa Saint Petersburg.
Sa St. Petersburg, sumigaw ang mga nagpoprotesta ng ‘’Shame’’ habang ipinapasok ng mga naka-helmet na pulis ang ilang nagpoprotesta sa loob ng van, na ikinasugat ng ilang demonstrador.
Sa Moscow, sumigaw ang mga to ng ‘’Happy birthday’’ at ‘’Russia without Putin’’.