NiL Nitz Miralles

NATANGGAP na ni Sharon Cuneta ang invites para maging maid of honor siya sa kasal nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan sa December 12. Ipinost niya ang invites at ang iba pang ipinadala ng mga ikakasal.

Ai Ai at Gerald copy

“One of the most special and meaningful Matron of Honor invites and gown material packages I have ever received.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Because it is from one of my truest and dearest friends, Ai Ai delas Alas. I love her so much.”

Nakasulat sa invites ang “Will you be my Matron of Honor?” at nakapirma si Martina Eileen na real name ni Ai Ai.

Sa post naman ni Ai Ai na ikinuwento niya ang pagiging warm ng Kapamilya stars na nakita niya nang mag-guest siya sa Bottomline ni Boy Abunda para i-promote ang Besh and the Beshies na showing na sa October 18, isa si Sharon sa mga nag-comment.

“Aww my dearest true BFF, I wish I was there too to hug you tight and kiss you! Maraming nagmamahal sa ‘yo sa ABS at nami-miss ka din namin.”

Sabi kasi ni Ai Ai, napadaan siya sa taping ng I Can See Your Voice para dalawin si Bayani Agbayani, super tsika raw ang lahat from Luis Manzano, bineso at niyakap siya ng staff at tumayo pa sina Alex Gonzaga, Yeng Constantino at Angeline Quinto para ibeso siya.

Well, sa wedding nina Ai Ai at Gerald, magsasama-sama ang mga Kapamilya at Kapuso stars. Walang network war sa Dec. 12.