Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Patay ang isang motorcycle rider makaraang makasalpukan ang closed van sa Concepcion- Magalang Road sa Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Manuel Aguilar ang biktimang si Joel Caballa, 33, may asawa, driver ng motorsiklo at residente ng Sta. Ana, Pampanga, habang minamaneho naman ni Robert Torres, 19, ng Bgy. Lomboy, Talavera, Nueva Ecija ang Isuzu van.

Dakong 12:30 ng umaga, binabagtas ng motorsiklo ni Aguilar ang kalsada papuntang Magalang, Pampanga nang nakabanggaan nito ang kasalubong na van.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog