Ni: Light A. Nolasco

DINGALAN, Aurora – Timbog ang isang 58-anyos na lalaking kinasuhan sa panghahalay sa isang menor de edad, nang makorner sa manhunt operation ng pulisya, nitong Huwebes.

Kinilala ni Senior Insp. Desiree Buluag, hepe ng Dingalan Police, ang suspek na si Emanardo Borreo Parale, residente ng Barangay Matawe, Dingalan, Aurora.

Inaresto si Parale ng pinagsanib na warrant team ng Dingalan Police at Tarlac Police Provincial Office sa pinagtataguan nito sa Bgy. Gayong-Gayong, Mayantoc, Tarlac.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dinampot ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610), na isang non-bailable offense.