Ni: Leandro Alborote
TARLAC CITY – Ginahasa ang isang 67-anyos na ginang ng kanyang kapitbahay Sitio Proper, Barangay Armenia, Tarlac City, nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang suspek na si Philip Cortez, 48, may asawa, ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jennifer Junio, puwersahan umanong pinasok ng suspek ang bahay ng biktima at hinalay ang senior citizen sa kuwarto nito.
Nahaharap sa kasong rape si Cortez.