Ni: Bella Gamotea

Naunsiyami ang masayang pagsusugal ng tatlong indibiduwal makaraang arestuin ng mga pulis sa ikinasang anti-gambling operations sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nakakulong sa Parañaque City Police headquarters sina Lyra Gabul y Meda, 27; Dindo Tamayao y Soriano, 28; at Jessie Centeno y Malate, 40, pawang nakatira sa No. 30 San Luis Street, Sitio Fatima, San Valley 6, Bgy. San Isidro ng lungsod.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), isinagawa ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4 at ng mga tanod ang nasabing operasyon sa Sitio Fatima SAV 6, Bgy. San Isidro, dakong 12:05 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabulaga ang mga suspek at hindi na nakapalag nang posasan ng mga pulis bitbit ang mga nakumpiskang P180 na pusta; bingo jar, at 40 pirasong bingo card.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Anti-Gambling Law.