Justin Brownlee (L) and Glen Rice Jr. (R) (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Justin Brownlee (L) and Glen Rice Jr. (R) (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Laro ngayon (Araneta Coliseum)

7:00 n.g -- Ginebra vs TNT

LABANANG matira ang matibay ang kaganapan sa pagtutuos ng defending champion at crowd –favorite Ginebra San Miguel at Talk ‘N Text sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal duel ngayon sa PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nakatakda ang giyera ganap na 7:00 ng gabi.

Para kay TNT star guard Jayson Castro, malaking tulong sa Katropa ang pinagdaang laban kontra Rain or Shine Painters sa quarterfinals para maihanda ang kanilang sarili laban sa Kings.

“Alam naman natin na ang Ginebra tough team, defending champion. So magandang preparation yung pinagdaanan naming sa quarterfinals. Sana maging magandang series ito,” pahayag ni Castro.

“At the same time, excited din kami kasi alam naman natin yung Ginebra, macha-challenge ka talaga paano sila talunin,” aniya.

Naitakda ang pagtutuos ng dalawang koponan nang tapusin ng third seed Kings ang Grand Slam bid ng San Miguel Beer at nakalusot sa matinding hamon ng Rain or Shine ang second seed Katropa.

Malaking tulong para sa naging panalo ng TNT ang import na si Glenn Rice Jr. na inaasahang mapapalaban ng husto kapag nakatunggali na nila ang Kings na pamumunuan naman ni Justine Brownlee.

Bukod kay Brownlee, mapapalaban din ng husto ang kanilang mga big men na sina Mo Tautua,Kelly Williams at Troy Rosario sa tandem nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar na may back-up pang Joe Devance.

Gayundin, maganda ring match-up ang inaasahan sa pagitan ng kanilang mga court generals na sina Jayson Castro at Roger Pogoy sa Katropa at sina LA Tenorio at Scottie Thompson naman sa Ginebra. - Marivic Awitan