Ni NORA CALDERON

IDINAAN na lang sa biro ni Gabby Concepcion sa mga post niya sa Instagram ang pagkakamali ni Pangulong Rody Duterte na sa halip na Gabby Lopez ay Gabby Concepcion ang minura sa isang speech. Ikinagulat iyon ni Gabby pero natawa na lang daw siya.

Gabby-Concepcion-7 copy copy

“Rome... tinamaan ng bala. Naospital bigla dahil sa mistaken identity. #mistaken #accident #ikaanimnautos #wrong target,” post ng aktor, na ang tinutukoy ay ang eksena niya sa Ika-6 Na Utos.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang sumunod na post ni Gabby: “We all make mistakes. Thank you for watching Ika-6 Na Utos, Sir President #DU30 #forgive #good vibes #good vibes only.”

Nilinaw naman ni Digong na si Gabby Lopez ng ABS-CBN ang tinutukoy niya. Sinabi pa niyang kaibigan daw niya si Sen. Kiko Pangilinan dahil noong araw na magbi-birthday si Inday Sarah, now mayor ng Davao, tinanong niya kung ano ang gustong birthday gift nito at gusto ng anak ay makasamang mag-dinner si Sharon Cuneta. Konektado nga naman sina Gabby, Sen. Kiko at si Sharon.

Samantala, sa kabila ng eksena sa Ika-6 Na Utos na nabaril at naospital si Rome, marami ang nagtatanong kung bakasyon muna ang mahusay na actor. Isang close friend ni Gabby ang tinanong namin tungkol dito, at ito ang sagot niya:

“Tuloy pa rin ang taping niya, kasabay ang bakasyon sa Lobo, Batangas, dahil ang location ng taping nila ngayon ni Georgia (Ryza Cenon) ay sa Laiya, Batangas. May twist sa story dahil nagka-amnesia si Rome at si Georgia lang ang kilala niya. Iginawa sila ng bagong name para maitago ang true identity ni Rome kay Emma (Sunshine Dizon). Sa December na magbabakasyon si Gabby, iyon ang usual vacation niya at ng kanyang mag-iina, uuwi sila sa kanila sa San Francisco, California.”

Tuloy ang twist sa Ika-6 Na Utos dahil may dalawang new characters na papasok sa story, sina Zoren Legaspi, na batay sa teaser ay naghahanap ng magiging nanay ng kanyang daughter. Mukha namang mataray ang character ni Chynna Ortaleza, at pareho silang magkakaroon ng connection kay Emma.

Sa direksiyon ni Laurice Guillen, napapanood ang high-rating afternoon drama series Monday to Saturday after Eat Bulaga.