Ni NITZ MIRALLES

WALA pang reaction ni Gabby Concepcion sa slip ni Presidente Rody Duterte sa isang speech na sa halip na pangalan ni Gabby Lopez ng ABS-CBN, pangalan ng aktor ang nabanggit.

SUNSHINE AT GABBY_OPTIONAL copy copy

Muli kasing nabanggit ni Pres. Duterte na nag-place siya ng advertisement noong kampanya niya, nagbayad siya pero hindi lumabas ang ad. ‘Yun nga lang, sa halip na pangalan ni Gabby Lopez, pangalan ni Gabby Concepcion ang binanggit ng Presidente.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang biruan tuloy, nanonood ang Pangulo ng Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan ni Gabby bilang si Rome na pinag-aagawan nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Ang aktor ang nasa isip ni President Rody, kaya pangalan niya ang nabanggit sa speech. May sense of humor si Gabby, siguradong may maganda siyang comment sa slip na ito ng Presidente.

Anyway, mukhang bakasyon sa Ika-6 Na Utos si Gabby, nawawala kasi ang karakter niya na ang feeling ng viewers, nagka-amnesia. Hindi nagti-taping si Gabby at sa post niya, nagpapahinga muna siya sa Lobo, Batangas.