NEW YORK/SEOUL (Reuters) – Sinabi ng foreign minister ng North Korea nitong Lunes na nagdeklara si President Donald Trump ng giyera sa North Korea at may karapatan ang Pyongyang na magsagawa ng take countermeasures, kabilang ang pagtarget sa U.S. bombers kahit na nasa labas ng kanilang air space ang mga ito.

Sinabi ni Ri Yong Ho na ang mensahe sa Twitter ni Trump nitong Sabado, kung saan nagbabala ang pangulo na ang minister at si North Korean leader Kim Jong Un “won’t be around much longer” kapag itinuloy nila ang kanilang mga banta ay katumbas ng deklarasyon ng digmaan.

Itinanggi ni White House spokeswoman Sarah Sanders nitong Lunes na nagdeklara ang United States ng digmaan, at tinawag na “absurd” ang suhestiyon.

Nagsasalita sa taunang U.N. General Assembly sa New York nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Ri sa mga mamamahayag na: “The whole world should clearly remember it was the U.S. who first declared war on our country.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Since the United States declared war on our country, we will have every right to make countermeasures, including the right to shoot down United States strategic bombers even when they are not inside the airspace border of our country.

“The question of who won’t be around much longer will be answered then,” dagdag niya.

Lumipad ang U.S. Air Force B-1B Lancer bombers kasama ang fighters sa silangan ng North Korea nitong Sabado bilang show of force matapos ang mainit na palitan ng mga pahayag nina Trump at Kim kaugnay sa nuclear at missile program ng North.

“That operation was conducted in international airspace, over international waters, so we have the right to fly, sail and operate where legally permissible around the globe,” sinabi kahapon ni Pentagon spokesman Colonel Robert Manning.