Ni: Entertainment Tonight

HINDI na itinatago nina Prince Harry at Meghan Markle ang kanilang relasyon.

Magkasamang dumalo ang 33-year-old royal at ang 36 taong gulang na Suits actress sa wheelchair tennis match sa 2017 Invictus Games nitong Lunes sa Toronto, Canada, at namataan silang magkahawak-kamay.

Bagamat nagpakita na sila sa publiko na magkasama sa opening ceremony ng Invictus Games nitong Sabado, ito ang unang pagkakataon ng kanilang PDA sa harap ng camera.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kitang-kita na masayang-masaya ang dalawa habang magkasama. Nag-enjoy sila sa tennis match, kasabay ng sunud-sunod na pagbulong ni Harry sa kasintahan.

Maganda si Meghan sa suot na puting button-up shirt, skinny jeans at flats.

Nitong Sabado, gorgeous si Markle sa opening ceremony ng taunang event para sa mga sugatang beterano, suot ang burgundy leather jacket at isang mahabang dress. Gayunman, siya at si Harry ay umupo na may nakapagitang apat na upuan sa isa’t isa.