Ni: Francis T. Wakefield

Inaresto ng tropa ng militar ang isang kilabot na kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at kinumpiska mula rito ang ilang baril, sa isang operasyon sa Central Mindanao.

Sa combat operation ng mga operatiba ng 34th Infantry Battalion, na suportado ng 603rd Brigade, naaresto si Muslimin Ladtugan, alyas “Mus”, kumander ng BIFF, at taga-Barangay Nabalawag, Midsayap, North Cotabato, bandang 8:15 ng umaga nitong Lunes.

Nasamsam mula kay Ladtugan ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang rocket-propelled grenade, dalawang .45 caliber pistol, at mga bahagi ng isang improvised explosive device (IED).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Si Ladtugan ang 4th division commander ng BIFF, sa ilalim ng pamumuno ni Mando Mamalumpong, alyas “Kumander DM”.

Kumikilos ang grupo niya sa Sitio Libal, Bgy. Nabalawag sa Midsayap.

“Ladtugan facilitates the transport of high-powered firearms and war materiel of the factions,” sabi ni Major Gen. Arnel Dela Vega, commander ng Joint Task Force Central.