Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Dalawang lalaki ang napatay habang walong iba pa ang naaresto sa pakikipag-engkuwentro sa mga pulis sa Purok 1, Barangay Pula, Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Batay sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan Police, sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang mga napaslang na sina Jeremy Gomez, ng San Jose City; at Bong Ramon Baldos, ng General Luna.

Dakong 3:15 ng hapon nang respondehan ng mga awtoridad ang report tungkol sa umano’y mga gumagalang armado sa lugar.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Bukod sa dalawang napatay, arestado naman sina Maria Luz Reyes Dipano, 59, nurse, ng Bgy. Aduas Sur; Gideon Callano Reyes, 31, ng Bgy. Mayapyap Norte, Cabanatuan; Rodel De Guzman Soria, 38, ng Bgy. San Juan, San Jose City; Jun Simon Aquino, 35, ng Bgy. Sibul, Talavera; William Mariano Soria, 27, ng Bgy. R.A. Padilla, Carranglan; at tatlong iba pa.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang cal. 380 pistol, tatlong .45 caliber, isang 12-gauge shotgun, at iba’t ibang klase ng bala.