Ni: Fer Taboy

Sumuko sa militar ang siyam na miyembro ng New People’s Army (NPA), kabilang ang isang bomb expert, sa Barangay Malegdeg sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Batay sa report ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry Battalion, kabilang sa mga sumuko sa kanya ang bomb maker ng kilusan na kinilala lamang sa tawag na “Buloy”.

Isinuko rin ng mga rebelde ang anim na malalaking improvised bombs, medical equipment, at mga subersibong dokumento.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?