Ni: Nitz Miralles

PAULIT-ULIT naming pinapanood ang video na nagsasayaw sina Gerald Anderson at ang kanyang ina. Tinawag ni Gerald na Birthday Dance ang sayaw nila dahil nangyari sa birthday ng mom niya (nalaman dahil sa hashtag na #happybirthdaymama).

GERALD AT INA copy

Sumayaw ang mag-ina sa saliw ng La Bamba at ang cute nilang pagmasdan, habang ang ama yata ni Gerald ay kumukuha ng video. Ang lakas maka-hashtag #MotherSonRelationship ng birthday dance ng mag-ina.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa isa pang post ni Gerald, damang masaya siya sa pagdating ng ina sa sinabing, “She’s back!! Nag-abot na akong mama diri sa balay #freshfromgensan.” Sa Cebuano ang post ni Gerald na ang ibig sabihin, dumating na ang mama niya sa bahay galing Gensan.”