Ni: Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Bitbit ng mga tauhan ng Palayan City Police-Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-3 ang search warrant nang salakayin ang bahay ng isang mag-asawa sa Barangay Marcos Village sa siyudad, nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nadakip na sina Manuel “Maning” Cutaran y Abad; at Olivia “Olive” Cutaran y Frias, 60, kapwa residente sa nasabing lugar.

Pinangunahan ni Chief Insp. Arnel V. Santiago, OIC ng Palayan City Police, ang nagsisilbi ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 26 ng Cabanatuan City dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasamsam umano mula sa mag-asawa ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, na nakalagay sa helmet.