Ni NITZ MIRALLES

ANG galing ng isang netizen na nakahula na sa workout room sa bahay ni Ellen Adarna rin nag-workout si John Lloyd Cruz.

ELLEN AT JOHN LLOYD copy

Ang floor ng workout room ang pinagbasehan ng netizen dahil nakikita niya sa mga naunang post na video ni Ellen tuwing nagwu-workout ito, ‘yun din ang nakita niya sa post ni John Lloyd.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa IG story ni Ellen, makikitang may nakatalikod na lalaki na nasa treadmill na inakala ng netizens na si John Lloyd dahil sa caption ng sexy star na, “Burn!!! Mornings with my fitness buddies” at naka-tag si John Lloyd at isa pang kaibigan niya.

Sa bahay dito sa Manila kuha ang picture ng early morning workout nina Ellen at John Lloyd at may kinikilig na nagtanong kung sa bahay ba ni Ellen natulog si John Lloyd para makasabay sa workout o pumunta ito ng maaga sa bahay ni Ellen.

May isa pang tanong ang netizens, bakit daw si Empoy ang makakapareha ni Ellen sa pelikula ng Star Cinema? Bakit daw hindi na lang sina Ellen at John Lloyd ang pinagtambal?